Choose Your Own Adventure

Ang buhay nga naman, parang choose your own adventure book, di mo malalaman kung ano ang susunod na mangyayari hangga’t di ka pumipili ng desisyon at buklatin ang mga susunod na pahina.

Tulad ngayong umaga, may 2 akong stockings, sabi ko etong isa ang gagamitin ko kasi bago. Ang sumunod na pahina, nalalaglag ang stockings kasi sira pala ang garter nito. Adventure, hindi ba… Game over na ang kasunod kapag tuluyan ng malaglag sa tuhod ko ang stockings! Kaso hindi choose your own adventure book ang buhay. Sa libro, pwede kang magsimula ulit at sa pangalawang pagkakataon ay pipiliin na ang tamang desisyon kasi alam mo na ang magiging epekto ng isa. Kung sigurista ka at ayaw mong magbasa ulit, maaari mo ring silipin ang mga susunod na pangyayari para matulungan na sa pagpili ng tama. Sa buhay, walang repeat, walang preview, at bawal ang cheating. Kinakailangang pumili ng desisyon nang di mo alam ang kahahantungan at dapat basahin ang susunod na pahina kahit  pa humarap sa posibilidad na akala mong game over na.

Kwentong stockings ulit: Buti na lang may decision matrix ulit: (1) hubarin na lang ang stockings at buklatin ang libro sa pahina 25 (2) walang ibang gawin at buklatin ang libro sa pahina 40. Pinili ko ang (1) kahit alam kong lalamigin ako at baka mapaltos ang mga paa. Pero pagbuklat ko sa pahina 25, may dumating na saklolo at dinalhan ako ng medyas para hindi mapaltos ang paa sa mga sapatos at sa dulo, hindi rin naman ako nilamig. Nung sinilip ko ang pahina 40, buong araw akong di komportable at sa maya’t mayang papupulong sa buong araw eh napansin ng boss ko na nalaglag ang stockings ko… GAME OVER, panindigan ang kahihiyan, walang balikan!

Sa pagpili ng desisyon sa choose your own adventure book, nilalagay mo ang lahat ng pananalig mo sa may akda ng libro, umaasang magiging maayos ang kinahinatnan at sana ay hindi pa game over. Parang buhay diba? May pinagkaparehas pero hindi rin… Dahil eto pa ang isang pinagkaiba ng buhay sa librong nabanggit. Sa buhay walang game over, tuloy-tuloy lang. Puro continue kaso walang balikan. Sa bawat katapusan ng kabanata ay laging may decision matrix. Minsan, akala mo game over na, pero may mahalagang footnote pala na di mo pinansin at binasa. At kahit kung saang direksyon pa mapadpad at sa kahit ano pang pahina ng buhay mapunta, sa huli ay iisa lamang ang magiging katapusan. Yan ang destiny! Kinakailangan lang manalig at magtiwala sa May Akda ng ating buhay patungo rito. Sa oras na binitawan mo ang pagbabasa at tuluyan mong isinara ang aklat ng hindi pa ito natatapos, ikaw din ang siguradong talo! Ayaw mo na ng continue? 10, 9, 8… GAME OVER!!!

Patuloy lang sa pagbuklat ng pahina…
Patuloy lang sa pagpili ng desisyon, tama man o mali…
Sa huli, laging mas makahulugan ang paglalakbay…
Sa huli, lahat tayo ay may mapapala…
Bawal bumitaw! Bawal isara ang aklat ng buhay!

– isinulat noong Oktubre 26, 2011

Advertisements

2 thoughts on “Choose Your Own Adventure

  1. Naalala ko yang choose your own adventure! hehehe. aaminin ko, minsan may cheating na nagaganap. Siyempre, normal lang talaga sa tao na maging interesado sa mangyayari sa hinaharapan dahil ayaw natin ng “uncertainty.” Kung pwede lang tayong magpredict ng mga probable consequences ng gagawing decision. Pero pag nangyari yun, ang pangit din kasi wala ng magkakamali – lahat perfect na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s