Pagbabago

Photo obtain from this site: http://www.inspiritess.com/ramblings-3/

Photo obtained from this site: http://www.inspiritess.com/ramblings-3/

Heto na naman ako, hawak ang aking cellphone habang pauwi na. Ninanais na namang magsulat ngunit kahit anong piga pa ang gawin ko sa aking utak ay wala ng ideya na lumalabas. Isang pagsubok: “Gawin natin itong impromptu, tingnan natin kung saan mapapad at kung mailalabas ko nga ba ang aking tunay na saloobin. Dapat pagdating ko sa aking train stop eh ibaba ko na ang cellphone at ipublish eto pagdating sa bahay, unedited dapat.”

Madaming bagay-bagay akong iniisip ngunit lahat ng ito ay para sa aking trabaho. Pagod na kasi ako. Bawat minuto, pati pagtulog, eto na ata ang hinihinga ko. Sino ba naman kasing di mapapagod lalo na’t sabayan pa ng sandamakmak na pagbabago?

Pagbabago! Nasabi ko na yan ng Agosto. Napakaraming pagbabago sa aking buhay simula ng Hunyo 2012. Nagdudulot pa ito ng mga sandali ng kalungkutan. Di ko maintindihan ang mga naganap sa aking mga kahapon. Mga anim na buwan na rin ang nakaraan. Pero di ko na kailangan pang alamin kung bakit. Tinanggap ko na lang at patuloy lang ang pagtakbo ng buhay. Hindi naman kasi pwedeng ipako ko na lang ang sarili ko sa paghahanap ng mga imposibleng kasagutan, nauubos lang ang oras. Sige lang, sumunod lang sa bawat pagpalit ng hugis ng mga ulap. Sabi nga ni Jose Mari Chan “clouds that move across the skies are changing form before our very eyes…

Pagbabago! Talaga nga namang mahirap sumabay sa mga ito. Dadaan sa butas ng karayom, dadaloy ang mga luha, dadagos ang mga dugo, lahat na ng mga malupit na idyoma ay maiihanlintulad mo dito. Ngunit ang pagbabago ay parang kamatayan, isang bagay na hindi natin mapipigilan, bagay na tiyak na darating sa ating buhay. Sabi nga kung meron isang bagay na permanento sa mundo, ito ang pagbabago. Jose Mari Chan ulit “life is a constant change“.

Pagbabago! Andito pa rin ako sa adjustment phase. Pagod lang siguro, madaming iniisip, mga trabaho na tila walang katapusan. Pagbabago sa ikabubuti ng nakakarami ngunit baka ikadulot ng aking pagka-burnout. Kaya eto, hinga muna ng malalim, magdasal, magtiwala at yakapin ng mahigpit ang lahat ng pagbabago. Jose Mari Chan ulit “and nothing stays the same…

– sinulat kanina, February 11, 2013 mula 6:15pm to 6:45pm

hmmm… ayan ang unedited version, siguro dadagdagan ko pa ito o malamang may babaguhin ako dito some other time.

O, Nakakaantok

 

Author’s note: Kung anu-ano lang ang isinusulat ko, minsan malalim, minsan walang kwenta. Isa eto sa mga walang kwenta. Ang tulang ito ay sinulat ko habang ako ay nasa opisina pa at pinipilit na magtrabaho kaya bagay na bagay yung picture na nakita ko sa isang website. Nakakaantok naman kasi talaga at nakakatamd minsan sa trabaho. Kaya ayan…

 

O ako’y inaantok
Pakiramdam ko’y mabigat ang aking batok
Di ko mawari kung bakit ganito
At tila ba ako’y malapit ng mabato

O ako’y tinatamad
Umaasang sana ang oras ay mabilis ng lumakad
Nang ako’y makauwi na agad
At malasapan na ang pagtulog na aking hangad

O aking nakalimutan
Pagtulog pala’y dapat munang ipagpaliban
Sapagkat sa pagsapit ng uwian
Mga kaibigan ko’y akin namang pupuntahan

O ako’y napapahikab
Sana ang diwa’t isipan ko’y muling maglagablab
Pagkat bawat saglit ay parang walang kabuluhan
Sa pagsulat ng tulang wala namang kahihinatnan

– isinulat noong Enero 23, 2008