Gabi’y Mapanglaw

Author’s note: maging “cheesy” naman tayo… ito ang isa sa mga tula tungkol sa pag-ibig na sinulat ko. mahigit isang dekada na ang nakalipas noong sinulat ko ang mahabang tulang ito, kahit matagal na ito at di na naaangkop ngayon eh sana’y maibigan nyo pa rin ito. kung ngayon ko ito isusulat, siguradong i-eedit ko ito at paiikliin kaso tinatamad ako mag-edit ngayon. isa pa, noong mga panahon na sinulat ko ang tulang ito ay iyan talaga ang aking saloobin at baka mawala ang tunay na kahulugan kapag inedit ko pa. kaya ito na ang tulang may 11 stanzas.

Gabi’y mapanglaw habang nag-iisip
Ginugunita ang mga panahong umalis
Nagtatanong, naghahanap ng mga kasagutan
Pag-ibig nga ba sa iyo’y nararapat sundin?

Ngayon ako’y nag-iisip
Isa-isang tinatahi ang mga panaginip
Na ika’y mahal at ako’y mahal din
Ng dalisay at wagas ng tunay na pag-ibig

Ngayon ako’y nag-iisip
Minimithing sana sa iyo’y makarating
Ang nararamdaman ng pusong umiibig
Na ika’y aking mahal at hindi lamang sa pasakali

Natatakot magmahal, baka puso’y masaktan
‘Pagkat puso niya’y nakalaan naman sa iba
At kung magmahal naman
Ay di bale na lang, kung may luluha ring iba

Ang iyong pag-ibig na tulad ng isang tala
Talang kay liwanag na di man lamang mahawakan nitong mga palad
Ngunit, sa aking pag-iisa’t paghahahanp
Sana’y malaman mo na ako’y hindi naman umaasa

Kung tunay nga ang pag-ibig sa iba
Sana’y madama ang sinasabi ng pusong pagsinta
Na sana’y maging masaya at mahalin ka
Tulad ng pagmamahal kong totoo’t wagas

Mas nanaisin pa ang puso’y masaktan
Kaysa may maiiwang nagdurusa
Hayaan kang maging malayang magmahal
Kahit na mahal ka pang talaga

Ngunit kung sakali namang ika’y mabigo
Nandirito pa rin ako para sa iyo
Bilang kaibigan, na inaasahan mo
‘Pagkat ika’y laging mahal, kaibigan ko

Puso’y nababalot ng lungkot at dusa
Mata’y pagod na sa daloy ng mga luha
Hindi na dapat pang maghanap ng mga kasagutan
Dahil pag-ibig sa iyo’y dapat ng ipagpaliban

Gabi’y mapanglaw habang nag-iisip
Hindi na ninanais na magmahal at umibig
‘Pagkat puso’y muli na namang masasaktan
Sa mga kasinungalingan ng mga panahong nagdaan

Kaya ngayon sa aking pagtulog
Nangangakong hinding-hindi na iibig pa sa iyo
Ngunit sa tuwing aking mapagtatanto
Pag-ibig at pagmamahal muli at muling bumabalik din sa iyo…

– isinulat noong Setyembre 24, 2000

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s