Four Seasons

Author’s note: Tulad ng binanggit ko sa nakaraan na post, ang mga susunod pang posts ko ay tungkol sa pagsisimula namin bilang immigrant. Eto pa ang isa…

Isang pagbabago ang aming hinihintay na di namin nasaksihan ng kami’y nasa Pilipinas… Mula tag-init, heto na ang tag-lagas, susunod na rin ang tag-lamig, at huli ang tag-sibol…

summer

Nagsimula sa tag-init, haring araw ay buhay na buhay. Mga kabataan ay naglalaro’t naghahabulan. Puso’t damdami’y naglalagablab, umaasam sa bawat liwanag ng bukas…

fall

Paparating na ang tag-lagas. Mga puno’t halama’y nagpapalit na ng kulay. Dati’y luntian, ngayo’y kahel na. Mga kalsada’y napupuno na ng dahon, mga puno’y nagsisimula ng makalbo. Sana’y hindi naman ito nangangahulugag salapi’y lalo pang manlagas…

winter

Dampi ng hangin ay patuloy sa paglamig. Nagbabadyang susunod na ang tag-lamig. Bukas makalawa, kalsada’t kapaligiran ay mababalot na ng yelo. Puti na ang paligid at tila manhid na ang kalamnan sa lamig. Sana’y hindi maging manhid sa paghihintay ng bukas…

spring

O kay tagal pa ng tag-sibol. Kailan makikita ang pagbunga ng mga bulaklak? Kailan maamoy ang kanilang halimuyak? Kailan masasaksihan ang kulay na magbibigay sigla? Sana naman ito’y dumating na…

Sa pagbabago ng panahon sana’y dala-dala rin nito ang pagbabago sa aming buhay…

– isinulat noong Setyembre 24, 2010

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s