Ligaya

photo obtained from wikipedia

photo obtained from wikipedia

Author’s note: Salamat ng marami sa isa sa mga paborito kong banda of all time, Eraserheads… kantahin ang sumusunod sa tono ng “Ligaya”

Ilang apply pa ba ang kailangan o aking boss
Ilang edit pa ba ang ieedit o aking boss
Dalawang buwan na kami naghihintay sayo
Di mo man lang napapansin ang pagod ko

Ilang sudoku pa ba ang tatapusin o aking boss
Ilang sine pa ba ang papanoorin o aking boss
Gagawin ko ang lahat pati ang iyong kape
Wag mo lang ipagkait ang trabaho ko

*Tanggapin mo lang kami aking boss walang humpay na ligaya
Aasahang pagsisilbihan ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil resume nami’y walang bola
Lahat tayo’y mabubuhay ng mayaman at buong ligaya

Ilang kwarta pa ba ang lulustayin o aking boss
Ilang bukas pa ba ang hihintayin o aking boss
Di naman kami puro porma tulad ng iba
Pinapangako ko sayo na magaling kami

Repeat *

**Aasahang pagbubutihin ko
Sa lahat ng iyong iuutos
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil lahat ito’y hindi isang bola
Lahat tayo’y mabubuhay ng mayaman at buong ligaya…

Repeat ** to fade

– Pinalitan ang lyrics ng kanta noong Setyembre 24, 2010