October Fall

photo obtained from insidegatlinburg.com

photo obtained from insidegatlinburg.com

Author’s note: English naman… kwentong bagong immigrant pa rin… hoping and believing, eto ang isang ┬ámaikling poem na umaasa na magkakaroon ng maayos na bukas. enjoy ­čÖé

It’s a gloomy weather
In a fall of October
The cool breeze I feel
And I’m standing still

I miss the sun’s smile
Seems it has been a while
Fog is enveloping the horizon
In my each waking morn

Leaves are falling
Colors are changing
A new beginning I see
But when it’s going to be

written on: October 26, 2010

Apat na Buwan

photo obtained from shutterstock.com

photo obtained from shutterstock.com

Author’s Note: Mga 2 months na pala akong di nakakapagpost ng blog, naging busy kasi sa trabaho… dapat every week na ulit ako makapagpost. Sa kung sino man nagbabasa, pls. enjoy. Itutuloy ko pa rin ang kwento noong unang tapak namin dito as new immigrants noong 2010.

 

Mag-apat na buwan na pala… Apat na buwan na walang trabaho at di kumikita ng pera…

Sa simula, masaya, lalo na nung asa Pilipinas pa. Lahat ng hindi ko nagagawa dati, tulad ng laro, lakwatsa, linis, nagagawa ko na ngayon. Ang dami ko ng panahon sa sarili ko. Tila di na nauubos ang oras ngunit di ko napapansin habang tumatagal, may hangganan din pala.

Pagkatapos ng apat na buwan, ubos na ang mga pahina ng mga libro, ubos na ang mga sine at palabas na pwedeng panoorin, pati pala kaperahan ko pakonti konting nauubos na. Nagsasawa na rin ako sa paglalaro, lampas isang daang sudoku na rin ang natapos ko. Mabuti kung mga materyal na bagay lang ang nauubos, paano kung higit pa pala dito ang di ko namamalayang nauupos na?

Apat na buwan… Matagal pa sa bakasyon ng mga estudyante! Pakiramdam ko nangangalawang na ko. Parang nauubusan na ko ng tiwala sa sarili ko. Konti pa, nauubusan na rin ako ng tyaga. Mabuti na lang di pa ko nauubusan ng pag-asa at tiwala sa Diyos pero di ko masabi, paano kung bukas makalawa bigla ko yun maramdaman?

Nakakainip na, bawat galaw ng kamay ng orasan ay akin nang napapansin. Bawat patak ng ulan kaya ko na ring bilangin. Gustuhin ko mang magsaya’t gumala, hindi naman pwede dahil kaakibat nito ang gastos na iniiwisan ko. Kung ang pagkabato nga naman ay nakakamatay… Tyak naibalik na ang mga labi ko sa Pilipinas.

Ilang ulit kong sinasabi na dapat hindi ko hinahayaang matapos ang araw ko na walang saysay. Ngunit ano ang aking gagawin? Hindi naman solusyon ang pagpunta sa mga seminars, kilala ko sarili ko at alam kong di yun magbibigay ng kaunting pag-asa sa akin, sa halip, lalo lang nun uubusin ang pera ko. Sabi nila, sige pa, subukan pumasok sa mga trabaho na mababa na kahit wala kong karanasan ngunit di nila alam kahit nga pagtimpla ng kape pinapatulan ko, pero wala pa rin…

Mahirap, nakakapagod… Nakakaubos ng lakas. Pero alam ko kelangan maging matatag. Kinabukasan namin ang nakataya. Buhay namin ang nakasalang.

Patuloy ang debate sa aking isipan.
Patuloy kong sinasabi sa aking sarili na darating din yan.
Ilang buwan pa kaya ang aking dapat hintayin?
Ilang oras pa ang aking dapat bilangin?
Sana bukas paggising ko di na ganito.
Sana bukas paggising ko meron ng trabaho…

– isinulat noong September 28, 2010