Hangganan

photo obtained from: www.myburnoutthing.com

photo obtained from: www.myburnoutthing.com

 Author’s Note: Tinatamad ako magwork lately. Dahil tinatamad ako, magpost muna ko dito sa . Sinulat ko eto ng mga panahon na parang nabuburnout na ko sa dami ng trabaho.

Bakit parang walang katapusan?
Dumudugo ang utak para sa’n?
Anong magiging kahihinatnan
Nitong buhay na walang katiyakan?

Nung una ay masaya
Ngunit ngayo’y pagod na
Kahit sabihing tama na
Wala namang nag-iiba

Kailan babagal ang takbo ng oras?
Magkakaro’n pa kaya ng lakas?
Paano pa haharapin ang bukas
Kung pagka-hapo na ang dinadanas?

 – sinulat noong March 11, 2013

Super Ferry

Author’s Note: Salamat pala sa Super Ferry kasi ginamat ko yung brand nila at yung dating commercial ni Sharon Cuneta, sana wala naman copyright issue or something. Anyway, na-inspire ako ng aking kaibigan kaya naisulat ko ito. Sa katunayan,siya ang nagsabi sa kin ng analogy ng barko at sa pinagdadaanan nya sa kanyang buhay. Nagkataon din ng mga panahon na nag-uusap kami tungkol sa problema nya eh may balita na may cruise ship na lumubog dahil nakabangga ng isang malaking coral reef. Sabi ko sa kanya, magsusulat na ko tungkol dito kaya eto na…

 

Isama ang buong angkan
Yayain pa ang mga kaibigan
Igayak na ang mga maleta
At tayo’y aalis na
Tara na! Sakay na! Tayo nang maglakbay!
Dito sa super ferry na nagngangalang buhay!

 

Sarap maglakbay!

Talaga nga namang nakakapanabik. Sa unang pagtapak pa lamang ng mga paa sa barko kitang-kita na ang mga ngiting abot tenga. At syempre dahil kasama ang buong pamilya at barkada, tiyak na punong-puno ng saya!

Sa pag-alis ng barko, sabay sambit ng Kapitan: “Mabuhay! Excited na ba kayo sa ating paglalakbay? Handa na ba kayo sa alon na maaari nating sagupain? Andito tayong lahat para sa di malilimutang experience, tara na at mag-enjoy dito sa super ferry!” Eto na ang hudyat ng simula ng kasiyahan.

Halina’t lumamon ng walang humpay. Magsayawan ng mawala ang mga inaatupag. Mag-inuman hanggang sa magdamag. Mabuhay na parang wala ng bukas! Sulitin ang bayad sa byahe ng buhay!

Ayos na sana ang lahat kaso nakakahilo pala, nakakasuka ang mga alon ng dagat. Pero madali lang itong mapawi sa paanyaya ng mga mahal sa buhay. Ayos! Balik na ulit sa pagsasaya!

Ngunit… Biglang…

BOGGGGG! Isang yumayanig na kalabog!
Ano yaong nambubulabog?
Tila may malakas na bombang sumabog
Ano’ng nangyayari? Baka tayo ay lumubog…

May malaking coral reef na nakaharang at nabangga ang barko. Huminto ang kasiyahan, nataranta ang karamihan, nagdasal ang iilan. Naghanap ng makakapitan. Sinong sasaklolo sa gitna ng karagatan? Kailangan mag-isip ng hakbang para sa kaligtasan.

Sa isang iglap, nawala ang mga kaanak at kaibigan. Malaking unos ang dumating at nagkanya-kanya ang lahat sa pagsagip sa sari-sariling buhay. Kakayanin kayang lumangoy papuntang dalampasigan? O sumabay kaya sa alon ng dagat? O di kaya’y kumapit sa barkong lumulubog hanggang mabaon na lamang sa dulo ng karagatan?

Unti-unting nalulunod, kawalan ng hininga
Nauupos na ang natitirang pag-asa

Ngunit… Biglang…

“Huwag kang bibitaw, kamay mo ay Aking hawak”
“Nandito Ako, magtiwala ka, Aking anak”
Na’ng sumulyap, mukha Niya’y nasilayan
Pag-asa’y umusbong nang nakita ang ngiti ng Kapitan…

Sinulat noong: January 20, 2012

Heto Na Kaya?

photo obtained from en.wikipedia.org

photo obtained from en.wikipedia.org

Author’s Note: Na-inspire ako sa movie na 3 Idiots kaya yan ang picture. Tamang timing ang pagrekomenda ng aking kaibigan na panoorin ang pelikulang ito. Salamat sa kanya 🙂 Salamat din sa mga bumuo ng pelikulang ito at sa author ng novel na pinagbasihan ng kwento, galing 🙂

 

Heto na kaya ang katapusan? Matutuldukan na ba ang mga taon ng pag-iisip, mga taon na paghahanap ng mga kasagutan, mga taon na puno ng kaguluhan? Heto na ba ang aking pinakahihintay na kalayaan?

—–

Napanood ko ang isang Bollywood na pelikulang 3 Idiots kamakailan lang (salamat sa aking kaibigan na naghahanap din ng mga sagot). Magandang pelikula at kahit hindi ako engineer at wala namang magulang na namimilit sa akin ay parang nararamdaman ko ang pinagdadaanan ni Farhan, isa sa mga bida na gusto ng kumawala sa pagiging engineer. Gusto ko rin maging tulad ng pinakabida sa pelikula na si Rancho – nais kong maging malaya tulad ng hangin, sundan ang talento at pangarap ng makamit ang tagumpay. Sabi nga sa isa sa mga kanta ng 3 Idiots:

Free as the wind was he
Like a soaring kite was he…
We fretted about the morrow
He simply reveled in today
Living each moment to the fullest…
Fearless, he frolicked in the river
Never hesitating to swim against the tide

—–

Kailan na nga ba nagsimula ang lahat? Siguro taong 2005 o simula ng 2006 – ito ang panahon na alam kong ayaw ko ng maging auditor. Noong una, paisa-isang tanong lang ang sumusulpot, unang tanong: “kelangan ko ng umalis, saan ako tutungo?”. Mabilis lang ang sagot: “kahit saan na pwede kumita basta wag lang sa audit.” Nakaalis nga ng audit ngunit nadagdagan ang mga tanong. Natambakan, dumami ng dumami, paulit-ulit, paikot-ikot, pagod na ang utak sa kaiisip.

Dahil sa paghahanap ng mga sagot, napadpad ako sa mga kabiguan. Mga kabiguan na parang wala ng katapusan. Pinagod ang sarili, inubos ang panahon, nilustay ang pera pero hindi pa rin pala. Pinilit ko ang sarili na ito ang gawing adhikain sa buhay dahil sa inakala kong ito ang nais kong mangyari sa buhay. Mali pala ako. Nauwi lang ako sa pagpapanggap nang walang makitang mga sagot.

Sa gitna ng mga kabiguan, habang nagninilay-nilay ay doon ko natukoy kung ano talaga ang tunay kong kaligayahan. Sabi nga ng aking kaibigan, naisulat daw ni J.K. Rowling ang Harry Potter noong mga panahon na patapon na ang kanyang buhay. Hindi ko naman sinasabing magiging J.K. Rowling ako, sumasang-ayon lang ako sa sinabi niya. Noong 2010, mga apat na taon na ang nakalipas nang nagsiusbungan ang mga tanong, ito din ang panahon na talagang tuluyan na akong naligaw – dito ko rin nakita ang matagal ko ng hinahanap. Ngunit lagpas tatlong taon na at heto pa rin ako, nawawala pa rin. Wala ng kaguluhan ngunit may mga katanungan pa rin. Hindi ko pa rin nararamdaman ang kalayaan. Sabi nga sa 3 Idiots:

Confusion and more confusion
No sign of any solution
Ah… finally a solution
But wait… what was the question?

—–

Lagpas pitong taon na akong naghahanap ng sagot. Akalain mo, pitong taon na rin pala ang ginugol ko sa pag-aaral ng CFA. Kahit anong mangyari ngayong taon, huli ko na talaga ito. Hindi ko na ipipilit pa ang isang bagay na di naman ukol. Parang bangungot lang. Syempre gusto ko pa rin pumasa at makamit ito, pitong taon ka ba namang mag-aral? Sa kabila ng mga kaguluhan, pinagpaguran ko yun. At higit sa lahat mahalaga ito para umasenso kaso nga lang hindi wagas ang kaligayahan. Hindi ito ang sukatan ng tagumpay. Hindi ito ang kapayapaan. Hindi ito ang kalayaan.

Sa tuwing humaharap ako sa kabiguan, lagi ko naiisip ang kantang “Go the Distance” ni Michael Bolton (dahil yan sa guro namin sa unang Accounting subject). Isa iyan sa aking mga tanong: “kailan kaya ako darating sa patutunguhan?” Dati, para sa akin ang patutunguhan ay ang CFA. Narating ko na ang destinasyon kapag nadagdagan na ng tatlong letra ang aking pangalan. Pero ngayon ko lang lubusang naisip, ang patutunguhan pala ay ang makamit ang tunay kong hangad sa buhay, pursuing your true passion sabi nga. Madali lang sabihin pero napakahirap gawin.

Pagbabalat-kayo! Ginagamit ko ang CFA bilang aking maskara. Sinasabi ko sa aking sarili na magiging tuluyan akong malaya at magkakaroon ng mga kasagutan kapag natamo ko na ang CFA. Pero hindi ganun, hindi yun ang katotohanan. Kaya kahit pumasa ako, kahit siguradong matutuwa naman ako ay hindi pa rin nito mapapawi ang aking mga katanungan. Kailangan kong yakapin ang aking pangarap, kalimutan ang mga alinlangan at mabuhay. 3 Idiots ulit:

Lifelong I lived
The life of another
For just one moment
Let me live as I
Give me some sunshine
Give me some rain
Give me another chance
I wanna grow up once again
—–

Tulad ng laging tinatanong sa dulo ng telenobela – saan hahantong ang mga tagpong ito? Hindi ko rin alam. Kakanta na lang ako sabay sayaw, Bollywood style…

Yell – Aal izz well
Woot woot woot
Hey bro, all is well… (to fade)

—–

Sinulat ngayon, July 4, 2013

Toronto Peak Hours

DSC02935

Author’s Note: Eto na ang huli kong naisulat as struggling immigrant. Nagkataon din naman na a few weeks after ng poem na eto eh nakahanap din ako ng trabaho. On a not-related note, pag nababasa ko talaga English writings ko, narerealize ko na mas maganda talaga yung mga writings ko in Filipino.

People pass by in a hurry
Work day ahead – there’s no time to worry
Day will be spent busily
After all, it’s Toronto’s weekday officially

People are walking and rushing
But at Tim Horton’s, they are stopping
Coffee to start the day right
Some bagels too to make the day bright

Crowded buses, trains and subways
People are preoccupied, no time for a getaway
Seem to be ready for all meetings for the day
Toronto’s peak hours is starting anyway

I see these people from afar
I’m just an observer in the dark
I want to be part of the crowd
Soon, definitely I’ll be joining this crowd

– sinulat noong October 28, 2010