Heto Na Kaya?

photo obtained from en.wikipedia.org

photo obtained from en.wikipedia.org

Author’s Note: Na-inspire ako sa movie na 3 Idiots kaya yan ang picture. Tamang timing ang pagrekomenda ng aking kaibigan na panoorin ang pelikulang ito. Salamat sa kanya 🙂 Salamat din sa mga bumuo ng pelikulang ito at sa author ng novel na pinagbasihan ng kwento, galing 🙂

 

Heto na kaya ang katapusan? Matutuldukan na ba ang mga taon ng pag-iisip, mga taon na paghahanap ng mga kasagutan, mga taon na puno ng kaguluhan? Heto na ba ang aking pinakahihintay na kalayaan?

—–

Napanood ko ang isang Bollywood na pelikulang 3 Idiots kamakailan lang (salamat sa aking kaibigan na naghahanap din ng mga sagot). Magandang pelikula at kahit hindi ako engineer at wala namang magulang na namimilit sa akin ay parang nararamdaman ko ang pinagdadaanan ni Farhan, isa sa mga bida na gusto ng kumawala sa pagiging engineer. Gusto ko rin maging tulad ng pinakabida sa pelikula na si Rancho – nais kong maging malaya tulad ng hangin, sundan ang talento at pangarap ng makamit ang tagumpay. Sabi nga sa isa sa mga kanta ng 3 Idiots:

Free as the wind was he
Like a soaring kite was he…
We fretted about the morrow
He simply reveled in today
Living each moment to the fullest…
Fearless, he frolicked in the river
Never hesitating to swim against the tide

—–

Kailan na nga ba nagsimula ang lahat? Siguro taong 2005 o simula ng 2006 – ito ang panahon na alam kong ayaw ko ng maging auditor. Noong una, paisa-isang tanong lang ang sumusulpot, unang tanong: “kelangan ko ng umalis, saan ako tutungo?”. Mabilis lang ang sagot: “kahit saan na pwede kumita basta wag lang sa audit.” Nakaalis nga ng audit ngunit nadagdagan ang mga tanong. Natambakan, dumami ng dumami, paulit-ulit, paikot-ikot, pagod na ang utak sa kaiisip.

Dahil sa paghahanap ng mga sagot, napadpad ako sa mga kabiguan. Mga kabiguan na parang wala ng katapusan. Pinagod ang sarili, inubos ang panahon, nilustay ang pera pero hindi pa rin pala. Pinilit ko ang sarili na ito ang gawing adhikain sa buhay dahil sa inakala kong ito ang nais kong mangyari sa buhay. Mali pala ako. Nauwi lang ako sa pagpapanggap nang walang makitang mga sagot.

Sa gitna ng mga kabiguan, habang nagninilay-nilay ay doon ko natukoy kung ano talaga ang tunay kong kaligayahan. Sabi nga ng aking kaibigan, naisulat daw ni J.K. Rowling ang Harry Potter noong mga panahon na patapon na ang kanyang buhay. Hindi ko naman sinasabing magiging J.K. Rowling ako, sumasang-ayon lang ako sa sinabi niya. Noong 2010, mga apat na taon na ang nakalipas nang nagsiusbungan ang mga tanong, ito din ang panahon na talagang tuluyan na akong naligaw – dito ko rin nakita ang matagal ko ng hinahanap. Ngunit lagpas tatlong taon na at heto pa rin ako, nawawala pa rin. Wala ng kaguluhan ngunit may mga katanungan pa rin. Hindi ko pa rin nararamdaman ang kalayaan. Sabi nga sa 3 Idiots:

Confusion and more confusion
No sign of any solution
Ah… finally a solution
But wait… what was the question?

—–

Lagpas pitong taon na akong naghahanap ng sagot. Akalain mo, pitong taon na rin pala ang ginugol ko sa pag-aaral ng CFA. Kahit anong mangyari ngayong taon, huli ko na talaga ito. Hindi ko na ipipilit pa ang isang bagay na di naman ukol. Parang bangungot lang. Syempre gusto ko pa rin pumasa at makamit ito, pitong taon ka ba namang mag-aral? Sa kabila ng mga kaguluhan, pinagpaguran ko yun. At higit sa lahat mahalaga ito para umasenso kaso nga lang hindi wagas ang kaligayahan. Hindi ito ang sukatan ng tagumpay. Hindi ito ang kapayapaan. Hindi ito ang kalayaan.

Sa tuwing humaharap ako sa kabiguan, lagi ko naiisip ang kantang “Go the Distance” ni Michael Bolton (dahil yan sa guro namin sa unang Accounting subject). Isa iyan sa aking mga tanong: “kailan kaya ako darating sa patutunguhan?” Dati, para sa akin ang patutunguhan ay ang CFA. Narating ko na ang destinasyon kapag nadagdagan na ng tatlong letra ang aking pangalan. Pero ngayon ko lang lubusang naisip, ang patutunguhan pala ay ang makamit ang tunay kong hangad sa buhay, pursuing your true passion sabi nga. Madali lang sabihin pero napakahirap gawin.

Pagbabalat-kayo! Ginagamit ko ang CFA bilang aking maskara. Sinasabi ko sa aking sarili na magiging tuluyan akong malaya at magkakaroon ng mga kasagutan kapag natamo ko na ang CFA. Pero hindi ganun, hindi yun ang katotohanan. Kaya kahit pumasa ako, kahit siguradong matutuwa naman ako ay hindi pa rin nito mapapawi ang aking mga katanungan. Kailangan kong yakapin ang aking pangarap, kalimutan ang mga alinlangan at mabuhay. 3 Idiots ulit:

Lifelong I lived
The life of another
For just one moment
Let me live as I
Give me some sunshine
Give me some rain
Give me another chance
I wanna grow up once again
—–

Tulad ng laging tinatanong sa dulo ng telenobela – saan hahantong ang mga tagpong ito? Hindi ko rin alam. Kakanta na lang ako sabay sayaw, Bollywood style…

Yell – Aal izz well
Woot woot woot
Hey bro, all is well… (to fade)

—–

Sinulat ngayon, July 4, 2013

Advertisements

5 thoughts on “Heto Na Kaya?

  1. Kuhang kuha ng movie ang mga confusion sa buhay natin. Tama ka, akala natin na yun ang sukatan pero ang totoo ay hindi lang talaga natin alam. Pag may problema….all is well!

  2. Gusto ko na din manuod. Ganda ng pagkaka incorporate ng movie sa gusto mong sabihin. Topnotch ang pagkakasulat. Galing!

  3. Pingback: lampangmanunulat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s