Kalayaan

photo obtained from facebook friends

Author’s Note: Kung maaari sana ay umiiwas ako sa paksa tungkol sa pulitika kaso sino ba namang hindi maiinis sa mga nangyayari sa Pilipinas ngayon? Hindi ko mapigilan ilabas ang pagiging nationalist ko. Break muna sa confusion writings, eto ang naisulat ko kaninang umaga ng bumungad pa rin sa aking paggising ang issue tungkol sa pork barrel. Maikling tula lang ito pero sana makarating ang mensahe…

Isinisigaw namin ang kalayaan
Mula sa mga magnanakaw ng bayan
Tapusin na ang inyong kalokohan
Tama na ang babuyan!

Hinihiling namin ang kalayaan
Sa mga Padre Damasong nagpapayaman
Ang kaban ng mga mamamayan
Dapat ay ginagamit sa tamang paraan

Patuloy kaming umaasa sa kalayaan
Nagkakaisa na muli ang sambayanan
Kanser ng lipunan, nais naming wakasan
Nang masimulan na ang hakbang sa kaunlaran

– isinulat kanina, Agosto 26, 2013

Outburst

photo obtained from jamiesheffield.com

photo obtained from jamiesheffield.com

Author’s Note: Halos isang linggo lang pala ang pag-itan nitong pangalawang tula na naisulat ko about sa confusion ko. Wikang English na naman, talaga naman, kahit di ganoon kaganda, sige ipopost ko pa rin. Syempre ng mga panahon na iyan, wala akong ideya na eto na pala ang simula ng isang kabanata ng aking buhay  na punung-puno ng leksyon. Ng mga panahon na iyan, di ko pa rin alam na ang pagsusulat pala talaga ang passion ko. Alam ko lang mahilig lang akong magsulat pero yun na yun; ng mga panahon na iyan, pakiramdam ko ay naipit na ko sa audit at kahit anong pumiglas ko pa ay hirap na hirap akong kumawala.

 

A puzzle, a maze
So restless, in a daze
Struggling, fighting
So confused, it’s like failing

It’s like reciting the multiplication table
But without focus, it can be the hardest test
It’s a jeopardy, it’s playing chess
And when you lost, it’s a mess

A difficult problem solving
Being clueless, not concentrating
An impossible task
A clear mindset is all I ask

In a new place without any map
It’s like racing in an endless lap
A path that is so blur
A life going nowhere

Crowded people, in a mob
There’s no air, cannot breathe
A quarrel – no! more of a war
A battle for not to self destruct

A storm, a hurricane
Making me insane
A catastrophe, a disaster
Oh, it’s as if facing a monster

A hindrance – it’s a road block
God! It’s just so hard to pass
It’s having a headache – a migraine
In distress, life is so lame

In a nightmare, in hell
Wanting to be out of this shell
A delusion, a hallucination
Burst from these emotions.

– isinulat noong March 22, 2006

Frustration

photo obtained from: access-ability.org

photo obtained from: access-ability.org

Author’s Note: Madaming pinagkakaabalahan sa trabaho kaya di ako nakakabalik sa blog ko. Anyway, sisimulan ko na ang pagbalik tanaw sa aking nakaraan at kung saan nagsimula ang mga confusion. Hindi talaga ako ganoon ka-proud sa English writing ko kaso pag binalikan ko kung saan nagsimula ang lahat ng confusion ko eh eto ang kauna-unahang naisulat ko tungkol dito. Ng mga panahon na iyan, alam kong gusto ko ng umalis ng audit at hinihintay ko ang resulta ng isang job interview, dapat ata patience ang title nito. anyway, enjoy… 🙂

 

Still no words from you
Keep on hoping for something new
Anticipating, praying, and wishing
Waiting for a new beginning

Frustrations make me feel blue
Insecurities are here again – so true
“Patience is really a virtue”
But what else shall I do?

It’s like living in a mansion
But I’m only a servant without any mission
Seeing your friends doing the same things
We’re losing hope, but we’re still believing

Everyday is a struggle
No, this time, I cannot handle!
So pressured, just please let me go
God! But I still can’t find it though

All I wanted is to get out
Although I still don’t know my whereabouts
Now, I don’t have any doubts
So, please, please, please let me out!!!

I really wanted to be free and be glad
But frustrations are there to be mad
Life’s like that, reality’s just so sad 😦
Life’s like that, some things are really bad :/

When you thought you made it, but hey, it’s not enough
Competing with your own self is just so tough
Then again, “Patience is truly a virtue”
So, just wait to finally be out of the blue

– isinulat noong March 16, 2006

Quick Post 20130807

As the name suggests, mabilisang post lang ito. Gagamitin ko ang category na ito para i-set ang theme ng mga susunod kong posts.
 
Lumabas na ang resulta ng aking exam kahapon, natuldukan na rin ito sa wakas at handa na kong harapin ang susunod na yugto ng aking buhay. Dahil diyan, isasaad ko dito kung paano at saan nagsimula ang lahat ng mga katanungan at confusion. Ang mga susunod kong posts ay tungkol dito. Minsan magpopost ako ng writing na hindi tungkol dito para may break dahil mahabang kwento ito.
 
Siya nga pala, pumasa ako. Kung nasagot na ba nito ang aking mga katanungan at tuluyan na bang nawala ang confusion ko ay hindi ko pa alam. Ang alam ko lang, nakangiti akong haharap sa aking bukas. 🙂
 
Halika! Samahan mo akong magbalik tanaw ng aking kahapon at sana’y maibigan mo ang aking paglalakbay.

Kakaiba

photo obtained from mydearvalentine.com

photo obtained from mydearvalentine.com

Author’s Note: Distracted ako sa work, kailangan ko muna magblog para di ko maisip ang kaguluhan. Anyway, tungkol sa writing na ito, kailangan kung i-edit yung original para maging anonymous pa rin kasi para ito sa mga dati kong mga kaibigan…

Isang kakaibang katahimikan…
Mga kakaibang sandali…
Mga kakaibang kwentuhan…
Malaking batong nakaharang…
Malamig na ihip ng hangin…
Ayaw ko ng balikan.

Bakit kaya ganoon? Hindi ko talaga lubusan maisip. Di ko rin alam bakit ako naaapektuhan, bakit ako nagtatanong, nanghihinayang marahil…

Apat hanggang mga sampung taon ko kayo kasama sa paaralan. Ang iba nga, labing dalawang taon pa, mula kinder hanggang 4th year. Araw-araw, pati Sabado kung minsan, karamay ko kayo sa pagharap sa ating kinabukasan. Ganyan ang samahan sa eskwela, aral-laro-lakwatsa, tuksuhan-kulitan-tambayan, at bangayan-tawanan-kwentuhan. Pero bakit ng humudyat ang araw ng pagtatapos, para bang natuldukan na rin ang ating samahan?

O kay sarap balikan nang nakaraan, sinong makakalimot ng mga bagay na ito?

  • Nandyan ang mga song books, buksan lang ang mga ito at tiyak kantahan na
  • Mga guro na ating pinagtitripan na may mga samu’t-saring nicknames
  • Mga kodigong naisulat kung saan at ‘pakopya ng sagot’ sa twing kinakapos
  • Mga sayaw, kanta, tula, sabayang bigkas, at dula na pinagpaguran at pinag-isipan
  • Mga Christmas parties at outings na ayaw kong matapos
  • Mga fishball at isaw sa kanto na di naman nagdulot sa atin ng typhoid
  • Lakwatsa sa mall at neoprint na walang katapusan
  • Sports fest na sa totoo ay sumali lang ako para sa uniform at peer pressure pero natuwa at naaliw naman ako kahit papaano
  • JS Proms at Seniors’ Ball
  • CAT na nangawit ang mga paa kakatayo at kakamartsa
  • Student council at class officers na nanindigan
  • Pagsuporta sa mga kaibigang lumahok sa iba’t-ibang paligsahan sa agham at math
  • Mga ligawan dyan at ligawan doon, mga away barkada, mga tampuhan, mga pagdadamayan at maraming pang iba pero higit sa lahat…
  • Mga barkadahan na akala ko’y hanggang sa katapusan…

Madaming nangyari simula ng araw ng pagtatapos. Higit isang dekada na ang nakaraan, tuluyan nang nawasak ng panahon ang pagsasamahang akala ko’y matibay…

Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob ng isang dekada. Nagkolehiyo, nagkakansitahan, nagkaasawa, nagkaanak, meron ding pumanaw. Sa mga taong yun, nag-iba iba tayo ng mga hilig, tumahak ng sariling landas, nakipagsapalaran sa mga kanya-kanyang buhay, nagkaroon ng mga bagong barkada. At sa di sinasadyang pagkakataon, tayo’y unti-unti ng nagkalayo.

Hindi naman ako nagmamalinis, alam ko na may kasalanan din naman ako. Inaamin ko rin na lumayo ako. Pero ang pagkakaibigan ay di nakasalalay sa iisang tao lamang, sigurado ako lumayo rin kayo. Mutual feelings kung baga. Di naman ako nagsisisi sa mga nangyari. Ganoon naman talaga ang buhay, lilipas ang mga oras, may mga kaibigang nawawala meron ding nadadagdag. Ang iba naman, alam mo andyan lang.

Napapaisip lang…
Nanghihinayang…

Buti nga ngayon high tech na. Madami ng paraan para sa komunikasyon, may facebook, twitter, chat, email, at text. Nakakalungkot mang isipin ngunit parang hanggang dun na lang din ang lahat. Kasi sa oras na nagkita-kita na ng personal, mararamdaman mong iba na. Hindi na maibabalik pa ang mga panahong lumipas, mga alaala na lamang ng nakaraan. Pero kahit iba na, umaasa pa rin naman ako na kaibigan ko pa rin kayo hanggang sa huli ngunit…

May isang kakaibang katahimikan na hindi ko mawari…
Mga kakaibang sandali na tila nagpapabagal ng takbo ng oras…
Mga kakaibang kwentuhan na ayaw ko ng balikan…
May malaking batong nakaharang na hindi ko mabuwag…
Malamig na ihip ng hangin na alam kong iba na…
Yan ang aking nararamdaman sa tuwing tayo`y nagkikita-kita. Masisi mo ba ako kung tuluyan na kong umiwas?

– isinulat noong July 27, 2011