My Passion (o baka confusion pala)

IMG00351-20130102-1811

Author’s Note: Eto yung picture ng “Lampang Manunulat” na post ko. Yan yung picture kasi sa totoo gusto ko nga magsulat kaso nga lang kelangan ko mag-aral at magtrabaho kaso sa sinulat ko na eto, parang may na-realize ako na bago, 2 ata talaga ang passion ko sa buhay at ang writing na eto ay tungkol dito… Enjoy 🙂

 

Sa pag-gawa ko ng lampangmanunulat, di ko maiwasang itanong na sa tagal-tagal ko ng nagsusulat ng kung anu-ano eh bakit kaya noong 2010 ko lang nalaman na eto pala talaga ang tunay kong hangarin sa buhay? Kung sabagay, di naman mahalaga kung kailan ko yun napagtanto. Ang mahalaga ay nabatid ko na ito. Plano ko ng hasain ang talentong ito at ng sagayon ay makamit ko na ang tagumpay, kapayapaan at kalayaan.

Kalayaan… para sa akin, isa itong salita na napakamakabuluhan at maraming sinisimbolo – malayang isipan, malayang kaluluwa, malaya na sa lahat ng kaguluhan.

Hinihingi ko na ito simula ng nalaman kong ayaw ko ng maging auditor. Pitong taon akong lito at siyam na taon ang ginugol ko sa pag-aaral ng finance para matamo ko ang aking inaakalang kalayaan. Ngayong natapos ko na ang pag-aaral, masasabi ko na ba na hindi na ako bilanggo?

Bilanggo… bakit ba ako naging bilanggo? Wala namang nagkulong sa akin. Ako naman ang kusang nagpumilit pumunta sa preso. Bakit ngayon na makakamtan ko na ang tatlong letrang pinagpaguran at pinakahihintay ko ay parang nasa selda pa rin ako. Hindi na nga lang sa madilim at malamig na selda, may liwanag na at tama na ang timpla kaso nga lang…

Alam ko kasi na gusto ko na talagang magsulat at gusto ko ng mag-aral ng tungkol dito kaso hindi ko magawa. Bakit nga ba hindi ko magawa? Dahil sa aking trabaho! Hindi naman talaga dahil sa trabaho, kung ayaw ko ng aking trabaho, pwede namang ipagpaliban yun. Sabi nga, kung gusto mo, maraming paraan; kung ayaw mo, maraming dahilan.

Maaari namang maghanap ng magaang trabaho at tuluyan ng pag-ukuluan ang pagsusulat pero di ko kaya. Dahil sa totoo at kahit ipagkaila ko pa ay mahal ko ang aking trabaho. Siguro hindi yung “trabaho” ang mahal ko kundi yung mga bagay-bagay na natututunan ko rito. Yung proseso ng pag-hihimay at pag-uunawa, yung patuloy na pag-aaral, yung patuloy na pagharap sa hamon at paghanap ng solusyon. Naguguluhan ako, hindi ko pa maamin sa sarili ko na isa rin pala ito sa aking passion.

Passion… ano ba ito sa Tagalog? Sabi sa isang website ito raw ay “simbuyo o silakbo ng damdamin”. Sabi sa isa “haling” o “pag-ibig”. Ngayon ko lang narinig ang salitang “haling”, baka ito nga ang Tagalog ng passion. Pero nakakatuwang isipin na ang salitang passion ay naihahalintulad sa “pag-ibig” at malakas na emosyon tulad ng “simbuyo” at “silakbo”. Hindi nga naman pwedeng maging passionate kung di ibibigay ng todo-todo – para nga namang pagmamahal. Ang passion nga naman, talagang nakaakibat na dito ang puhunan ng iyong pagkatao.

Parang wala akong makitang wikang Tagalog na talagang angkop para rito. Ginagamit ko ang salitang “hangarin” pero hindi rin yun ang passion. Akalain mo, pati rin pala ang talasalitaang Filipino ay nahihirapang maghanap nito.

Mahabang paglalakbay ang kinailangan bago ko ito natagpuan. Taon ang binilang at sing-dami ng Pacific Ocean ang luhang naiyak. Sa huli, pagsusulat at kaalaman pala ang mga passion ko.

Sa tuwing nagsusulat ako, pakiramdam ko ay isa akong ibon. Ang bawat salita ay katumbas ng pakonti-konting pagbuka ng aking mga pakpak. Ang bawat talata ay ang aking pagtangkang makalipad. Kapag natapos na ang akda ay tila nalipad ko na ang buong kalangitan. Ito ang kalayaan, malipad ang buong himpapawid mula sa mundo ng aking tinta.

Sa tuwing nakakakuha ako ng bagong kaalaman, pakiramdam ko ay isa akong maninisid. Ang paghahanda sa pag-aaral ay katumbas ng pagtingin sa kondisyon ng katawan bago sumulong sa dagat. Ang bawat proseso ng pagdagdag kaalaman ay katumbas ng paglangoy patungo sa ilalim ng karagatan. Pag mayroong nabatid – EUREKA! May specie pala na nagtatago sa buhangin na ngayon pa lamang nakita. Ito ang kalayaan, masisid ang dulo ng karagatan ng lumago ang mga ideya sa aking isipan.

Ngunit nahihirapan ako, hindi ko mabalanse ang dalawa.

Kapag nagtagal ako sa himpapawid, baka hindi ko na makita pa ang karagatan…

Kapag tinuloy-tuloy ko ang pagsisid, baka mawala ang aking pakpak at hindi na ko muling makalipad…

 

– isinulat noong October 15, 2013

Advertisements

Two Stanzas

photo obtained from fineartamerica.com

photo obtained from fineartamerica.com

Author’s Note: Magpopost pa ko ulit dahil baka hindi na naman ako makabalik sa blog ko. Eto na naman ang mga panahon na nag-iisip ako kung maghahanap na ba ng bagong trabaho o hindi. Pagkatapos nitong tulang eto ang sunod na naisulat ko ang “Searching for the Impossibility”.

A lonely soul seeking happiness
In dilemma, searching for a remedy
A pure heart wanting to be free
In confusion, needing a solution

A dream to achieve contentment
It’s a success to find fulfillment
A baffled mind facing a battle
It’s a victory not to rattle

– isinulat noong July 20, 2007

Explosion

photo obtained from en.wikipedia.org

photo obtained from en.wikipedia.org

Author’s Note: 1 year din pala ang pagitan ng nagsulat ako about sa aking confusion. Nakahanap kasi ako ng panibagong trabaho kaya ng mga unang buwan ko sa bagong trabaho eh syempre nagninilay nilay pa ko kung eto na ba yun. pero pagkatapos ng ilang buwan, eto na, nag-explode na ko. Sequel pala eto ng “Outburst” na na-post ko na noong mga ilang buwan ang nakilpas.

A hot-tempered mind
A life that is not quite unkind
Ready to burst out
But can’t let it out

Circumstances are uncontrollable
Making me so uncomfortable
Synthesizing that everything has a sense
Making my life so full of sh*t

Miserable – that’s what it is
No satisfaction – it’s what keeping this
Shifting paradigms, changing perspective
No, this time, these are not helping

Exploring potentials
Wanting to see all essentials
But nothing is going right
And now, I’m already out of light

I’ve been in an outburst of emotions
I’ve been living in an illusion
Wanting to end this mind-revolution
Will soon let it out – ready for an explosion

– sinulat noong April 27, 2007