My Passion (o baka confusion pala)

IMG00351-20130102-1811

Author’s Note: Eto yung picture ng “Lampang Manunulat” na post ko. Yan yung picture kasi sa totoo gusto ko nga magsulat kaso nga lang kelangan ko mag-aral at magtrabaho kaso sa sinulat ko na eto, parang may na-realize ako na bago, 2 ata talaga ang passion ko sa buhay at ang writing na eto ay tungkol dito… Enjoy 🙂

 

Sa pag-gawa ko ng lampangmanunulat, di ko maiwasang itanong na sa tagal-tagal ko ng nagsusulat ng kung anu-ano eh bakit kaya noong 2010 ko lang nalaman na eto pala talaga ang tunay kong hangarin sa buhay? Kung sabagay, di naman mahalaga kung kailan ko yun napagtanto. Ang mahalaga ay nabatid ko na ito. Plano ko ng hasain ang talentong ito at ng sagayon ay makamit ko na ang tagumpay, kapayapaan at kalayaan.

Kalayaan… para sa akin, isa itong salita na napakamakabuluhan at maraming sinisimbolo – malayang isipan, malayang kaluluwa, malaya na sa lahat ng kaguluhan.

Hinihingi ko na ito simula ng nalaman kong ayaw ko ng maging auditor. Pitong taon akong lito at siyam na taon ang ginugol ko sa pag-aaral ng finance para matamo ko ang aking inaakalang kalayaan. Ngayong natapos ko na ang pag-aaral, masasabi ko na ba na hindi na ako bilanggo?

Bilanggo… bakit ba ako naging bilanggo? Wala namang nagkulong sa akin. Ako naman ang kusang nagpumilit pumunta sa preso. Bakit ngayon na makakamtan ko na ang tatlong letrang pinagpaguran at pinakahihintay ko ay parang nasa selda pa rin ako. Hindi na nga lang sa madilim at malamig na selda, may liwanag na at tama na ang timpla kaso nga lang…

Alam ko kasi na gusto ko na talagang magsulat at gusto ko ng mag-aral ng tungkol dito kaso hindi ko magawa. Bakit nga ba hindi ko magawa? Dahil sa aking trabaho! Hindi naman talaga dahil sa trabaho, kung ayaw ko ng aking trabaho, pwede namang ipagpaliban yun. Sabi nga, kung gusto mo, maraming paraan; kung ayaw mo, maraming dahilan.

Maaari namang maghanap ng magaang trabaho at tuluyan ng pag-ukuluan ang pagsusulat pero di ko kaya. Dahil sa totoo at kahit ipagkaila ko pa ay mahal ko ang aking trabaho. Siguro hindi yung “trabaho” ang mahal ko kundi yung mga bagay-bagay na natututunan ko rito. Yung proseso ng pag-hihimay at pag-uunawa, yung patuloy na pag-aaral, yung patuloy na pagharap sa hamon at paghanap ng solusyon. Naguguluhan ako, hindi ko pa maamin sa sarili ko na isa rin pala ito sa aking passion.

Passion… ano ba ito sa Tagalog? Sabi sa isang website ito raw ay “simbuyo o silakbo ng damdamin”. Sabi sa isa “haling” o “pag-ibig”. Ngayon ko lang narinig ang salitang “haling”, baka ito nga ang Tagalog ng passion. Pero nakakatuwang isipin na ang salitang passion ay naihahalintulad sa “pag-ibig” at malakas na emosyon tulad ng “simbuyo” at “silakbo”. Hindi nga naman pwedeng maging passionate kung di ibibigay ng todo-todo – para nga namang pagmamahal. Ang passion nga naman, talagang nakaakibat na dito ang puhunan ng iyong pagkatao.

Parang wala akong makitang wikang Tagalog na talagang angkop para rito. Ginagamit ko ang salitang “hangarin” pero hindi rin yun ang passion. Akalain mo, pati rin pala ang talasalitaang Filipino ay nahihirapang maghanap nito.

Mahabang paglalakbay ang kinailangan bago ko ito natagpuan. Taon ang binilang at sing-dami ng Pacific Ocean ang luhang naiyak. Sa huli, pagsusulat at kaalaman pala ang mga passion ko.

Sa tuwing nagsusulat ako, pakiramdam ko ay isa akong ibon. Ang bawat salita ay katumbas ng pakonti-konting pagbuka ng aking mga pakpak. Ang bawat talata ay ang aking pagtangkang makalipad. Kapag natapos na ang akda ay tila nalipad ko na ang buong kalangitan. Ito ang kalayaan, malipad ang buong himpapawid mula sa mundo ng aking tinta.

Sa tuwing nakakakuha ako ng bagong kaalaman, pakiramdam ko ay isa akong maninisid. Ang paghahanda sa pag-aaral ay katumbas ng pagtingin sa kondisyon ng katawan bago sumulong sa dagat. Ang bawat proseso ng pagdagdag kaalaman ay katumbas ng paglangoy patungo sa ilalim ng karagatan. Pag mayroong nabatid – EUREKA! May specie pala na nagtatago sa buhangin na ngayon pa lamang nakita. Ito ang kalayaan, masisid ang dulo ng karagatan ng lumago ang mga ideya sa aking isipan.

Ngunit nahihirapan ako, hindi ko mabalanse ang dalawa.

Kapag nagtagal ako sa himpapawid, baka hindi ko na makita pa ang karagatan…

Kapag tinuloy-tuloy ko ang pagsisid, baka mawala ang aking pakpak at hindi na ko muling makalipad…

 

– isinulat noong October 15, 2013

Advertisements

3 thoughts on “My Passion (o baka confusion pala)

  1. Ngayon ko din lang nalaman na ang salitang haling ay pwede din maihalintulad sa salitang passion. Parang ang “haling” kasi ay medyo negative ang dating na parang addiction ang ibig sabihin.

    Sa ngayon, ibig sabihin ba ng mga huling talata ay hindi pa maaaring tuldukan ang paghahanap sa tunay na passion?

    • ah yun ba ibig sabihin ng “haling”. parang addiction… interesting.

      hehe di ko nga alam kung pwede na tuldukan. siguro alam ko naman na yung 2 yung greatest passion ko, natatakot lang ako na baka pag ipursue ko yung isa eh di ko na ma-pursue yung isa. go with the flow lang, ang importante eh nag-eenjoy naman ako so carry on. hehe

  2. Buti na lang 2 lang sila, kahit papaano manageable pa din. 😉 masaya ako dahil masaya ka na din at unti-unti mo ng nalalaman kung anong daan ang iyong tatahakin. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s