Kwentong 2013

photo obtained from: litandlife.blogspot.com

photo obtained from: litandlife.blogspot.com

Author’s Note: Ito ang wrap-up ko sa taong 2013. At the same time, gusto ko rin simulan ang taong 2014 ng mga katanungan at uncertainties. Tingnan ko nga kung mayroon akong masasagot sa mga tanong na ito pagdating ng Dec 31, 2014…

Kwentong “Heto Na Kaya?”

Masasabi kong isa sa mga paborito kong naisulat ay ang “Heto na Kaya?”. Iyon ang kwento ng aking passion, ang aking inspirasyon, ang aking kwento! Umaasa akong madudugtungan ko yun ng kabanata kaso sa bawat subok kong sumulat tungkol dito, laging naiiba ang tema. Marahil hindi pa napapanahon na sundan ito dahil…

Nasagot na nga ba ang aking mga katanungan? Natuldukan na nga ba ang mga taon ng pag-iisip at kaguluhan? Malaya na nga ba ako ngayong nakamit ko na ang tatlong letrang ikinabit ko sa aking pangalan? Heto na nga kaya?

Kwentong Passion:

Maraming nangyari ngayong taong ito. Ang isa sa mahalagang kaganapan sa buhay ko ay nabatid ko na dalawa pala ang passion ko. Gusto kong magsulat at gusto ko rin palawakin ang aking kaalaman. Alam kong hindi ko kayang balansehin ang dalawa. Alam ko rin na kung kinakailangang pumili at kung parehas pagkakaperahan, walang alinlangang pipiliin ko ang pagsusulat. Ngunit hindi iyon ang reyalidad ng buhay kaya heto ako ngayon, napapaisip pa rin.

Masasabi kong hindi na ako confused pagdating sa usapang passion pero naguguluhan ako sa mga susunod kong hakbang. Malaki kasi ang epekto ng trabaho ko sa lahat ng aking kaguluhan. Hindi ko alam kung paano at ano na. Magulo! Nakakalito!

Ngayong taon ko rin kasi nalaman ang trabahong gusto at ikatutuwa ko. Sa mahigit siyam na taon kong pagtatrabaho, ngayon lang ako nakontento rito. This is a good breakthrough kaso nga lang hindi pagtatrabaho ang passion ko. Wala akong layunin na maging boss! Pero bakit ako nagpapakasasa rito? Sa twing pinipilit kong abutin ang passion ko na palawakin ang aking kaalaman, parang dito ako patungo. Heto ba ang gusto ko? Heto na ba talaga ang hinihintay kong kalayaan? Bakit parang preso pa rin ako na nalipat lang sa kabilang cell block?

Sumasabay lang ako sa agos ng ilog ngunit paano kung ang ilog ay umabot na sa talon? Hahayaan ko lang ba na ako’y matangay at malaglag? Paano kung malunod ako eh di pa naman ako marunong lumangoy?

HINTO! Isang malaking STOP sign! PAGSUSULAT ANG TRUE PASSION! Iyan ng aking paalala sa sarili sa twing naguguluhan ako. Kailan ko sisimulang hasain ang talento sa pagsusulat? Kailan ko ito pag-uukulan ng mas madaming panahon? Kung ito talaga ang pinagkukunan ng kaligayahan at sukatan ng tagumpay, ano pa ba ang aking hinihintay? O baka naman ngayon nabaliktad na – pagsusulat na ba ang aking maskara sa tunay kong hangad na kaalaman?

Tanggap ko naman na imposible ng balansahin ang dalawa, sana nga lang di dumating ang panahon na kailangang pumili…

Kwentong Signs:

Minsan, napapaisip ako kung dapat bang humingi ng signs pero hindi na ako naniniwala rito. Dati oo, ngunit sa pagtakbo ng panahon, nabatid kong hindi signs ang magdidikta ng susunod kong hakbang. Paano kung mali pala ang pagkakaintindi ko rito? Paano kung may binigay palang signs pero di ko nakita?

Noong taong 2006, bago lumabas ang CFA Level 1 Exam results, humingi ako ng sign kung dapat bang magpatuloy sa CFA. Pangalawang ulit ko na kasi iyan kaya kailangan ko ng signs para maipahiwatig na ito ang tamang daan. Kinaumagahan, pagharap ko sa TV, nakita ko ang mga dilaw na rosas! Sinong mag-aakala na ang gulo pala sa Thailand noong mga panahon na iyon ay mareresolba at magtatapos sa mga dilaw na rosas katulad noong panahon ng martial law sa Pinas? At tumpak ang sign dahil pumasa nga ako. Sabi ko, eto na ang smooth sailing na Levels 2 at 3. CFA akin ka na! Pero bumagsak ako sa sumunod na level. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko na ng mga signs. At sinundan pa yan ng dalawang pang pagbasak. Pambihirang sign iyan, iyon pala ang smooth sailing!

Pero kung iisipin ko ngayon, kung hindi ako naniwala sa mga dilaw na rosas, malamang hindi ko na itutuloy ang CFA. Hindi ko makikita ang liwanag at kasaugutan kasi hindi ko mararanasan ang mga paulit-ulit na kabiguan kung walang CFA. At malamang ay naglalakbay pa rin ako sa pagtuklas ng aking passion. Lahat ay asa perfect timing ng Panginoon.

Totoong nakakatuwa ang mga signs pero minsan pangpagulo lang sila. May signs man o wala, ang nasusunod naman talaga ay kung ano ang sinisigaw ng aking puso`t damdamin. Kaya ang twina ko ng dasal ay mabigyan ng bukas na puso’t isipan at patuloy na patnubay sa pagdedesisyon sa buhay.

Kwentong Kaguluhan:

Balik sa aking kaguluhan. Sa totoo, napagdesisyunan ko na at plano ko ng mag-aral tungkol sa pagsusulat. Hindi ko nga lang masisimulan hangga’t hindi ko pa matuwid ang trabaho. Isa-isa lang, mahina ang kalaban!

Kaso nga lang, wala akong direskyon ngayon. Sana lang alam ko kung kailan at paano maayos ang mga gusot sa trabaho. Naghihintay lang ako kung anong magiging kahihinatnan. Sumasabay nga lang sa agos. Kaso hindi payapang ilog ang aking binabaybay, pakiramdam ko asa roller coaster ako. T@*%!*@! Ibaba nyo na ko rito! Kaso minsan iniisip ko, sige lang, panindigan na ito hanggang katapusan. Kaso kaya ko ba talagang tapusin ang buong ride? Minsan nga gusto ko na lang tanggalin ang seatbelt at tuluyan ng bumitaw. Kaso baka naman sa aking pagbitaw, bigla akong saluhin ng anchor’s away. Ganoon din pala, parehas lang nakakahilo’t nakakasuka.

Suko na nga ako kaya sabi ko bahala na si Batman. Hindi ko na alam! Ang alam ko lang, malapit ng dumating ang panahon na kailangan kong magdesisyon. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa ito kayang harapin. Isa lang ang sigurado ko, kahit anong mangyari, kahit saan ako mapadpad, kahit anong maging desisyon ko, ito ay tiyak na makakaapekto sa kinabukasan ng aking pagsusulat.

Hindi ko pa rin alam kung saan hahantong ang mga tagpong ito. Abangan na lang ang Kwentong 2014 habang kumakanta at sumasayaw pa rin, Bollywood style:

Aal izz well…
Woot, woot, woot!
Hey Bro, Aal Izz Well…

written on: January 7, 2014

Advertisements

One thought on “Kwentong 2013

  1. Pingback: lampangmanunulat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s