Tayo ang Boss

photo obtained from www.sunstar.com.ph

photo obtained from http://www.sunstar.com.ph

Ano ba talaga ang sukatan para sabihing may nagawa ang isang pangulo sa kanyang bayan? Ano ba ang mga major at minor subjects niya at ano ang grading system? Yung mga binanggit ni PNoy sa SONA, hindi ba sapat yun? Iba ang sitwasyon noong panahon ni Marcos, paano nating masasabing ipinagpatuloy o ibinasura ni PNoy ang legacy ng kanyang mga magulang? Paano natin masasabing mediocre lang ang kanyang mga nagawa?

Walang lugar para sa mediocrity! Nasasayang lang ang karunungan at talento kung hindi ito nagbubungad ng progreso. Pero ano ba talaga ang expectations nating mga Pinoy? Ano ba ang standards natin ng mediocrity? Malinaw ba sa mga pulitiko iyon? Eh sa atin kaya, malinaw ba iyon? Gusto ba natin masugpo ang corruption overnight? Gusto ba natin maging first world country sa susunod na buwan? Mawala ang kahirapan sa loob ng isang taon? Makontrol ang paglago ng populasyon sa susunod na dekada? Palaguin ang ekonomiya? Mapanatili at itaas pa ang investment grade rating? Ayusin ang NAIA? Magkaroon ng wastong disaster planning? Masolusyunan ang trapik at kung anu-ano pa? Kailangan natin maging realistic dahil hindi naman ito kayang gawin ng kahit na sinong pangulong iupo sa iisang iglap lang. Ano ba ang gusto natin mangyari at kailan ba natin ito gusto maatim?

Sa dinami-dami ng problema ng Pilipinas, ano ba sa tingin ninyo ang dapat na tutukan para sa ikakaunlad ng bayan? Lahat ba ng suliranin ay kailangan bigyan ng pansin o mas mabuting tutukan nya ang isa o dalawang pinakamalaking isyu at baka pag malutas nya iyon ay magtuloy-tuloy ang pag-unlad? Sapat na ba ang mga baby steps tungo sa kaunlaran? Mahilig tayong magreklamo, pero naisip ba natin kung ano ang tamang strategy para malutas ang mga suliranin ng bansa? Alam ba natin kung ano ang dapat na top priorities ng isang pangulo ng Pilipinas?

Hindi dapat ang “pwede na yan”! Kung hindi tayo kuntento sa mga nanunungkulan, mula barangay tanod hanggang sa pangulo, tinatanong ba natin ang ating mga sarili kung ano ang pwede nating gawin upang baguhin ito? Magwelga kaya? O magreklamo ulit at piliing huwag ng bumoto tuwing eleksyon? Bakit patuloy tayong naghahalal ng mga garapal na magnanakaw? Bakit patuloy nating tinatratong artista ang mga pulitiko? Nagpapapicture pa nga tayo sa kanila at pinagpyepyestahan pa natin ang mga designers’ outfits na suot-suot nila. Baka galing pa sa kaban ng bayan ang pinambayad sa magagarang damit na iyon. Tuwang-tuwa pa nga tayo pag binigyan tayo ng sampung libo o tumulong sa pagpapalibing pag may namatay na kaanak. Akala naman natin ay galing sa sarili nilang bulsa ang pinamimigay na pera. Hindi ba’t naglalagay tayo sa pulis o kung kanino man para mapabilis ang usad ng mga bagay-bagay?

Alam nating may mali sa sistema pero bakit natin ito tinatanggap? Tayo pa mismo ang nagpaparticipate sa mga katiwaliang ito! Bukod sa pagrereklamo, may ginagawa ba tayong aksyon? Pinapalitan ba natin ang ating attitude o hinahayaan na lang natin na malamon tayo ng bulok na sistema? Sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa kawani ng gobyerno, bakit kayo pumepetiks lang habang patuloy ang reklamo nyo sa corruption? Hindi ba’t ang sahod niyo ay galing din sa kaban ng bayan? Sa mga Pilipinong nagmigrate abroad, hindi ba’t atat na kayong i-give up ang pagiging Pilipino habang patuloy lang sa pagrereklamo sa sitwasyon ng Pilipinas? May naiisip ba tayong paraan upang tumulong sa Pilipinas? Mukhang tayong mga Pilipino rin mismo ang may sala sa mabagal na pag-asenso ng Pilipinas…

Kung meron man akong take-away sa SONA ni PNoy, yun ay ang paulit-ulit nyang sinasabi na tayo, tayong mamamayan ang kanyang boss. TAYO ANG BOSS! Kung tayo ang boss, dapat bawat isa sa atin ay nag-iisip din ng pagbabago at gumagawa ng hakbang, kahit malitt man ito, patungo sa magandang kinabukasan ng Pilipinas. Tayo rin ang dapat nagseset ng malinaw, realistic at reasonable na expectations sa mga pulitiko. At higit sa lahat, kinakailangan nating patunayan na tayo ay karapat dapat na boss – hindi boss na nagpopower trip lang at panay reklamo ang ginagawa kung ‘di isang boss na disiplinado, responsable at may tunay na malasakit sa Pilipinas.

– isinulat noong Hulyo 30, 2014

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s