Kwentong 2014 (Heto Na Kaya Part III)

Sa tuwing matatapos ang isang taon, lagi kong naiisip ang mga salitang binanggit ni John Cage sa palabas na Ally Mcbeal: “If you think back and replay your year, if it doesn’t bring you tears either of joy or sadness, consider it wasted.”

Madami nga akong nailuha ngayong taon, karamihan dito ay dahil sa matinding frustrations ko sa trabaho at ang iba naman ay dahil sa mga taong maiiwaan ko sa aking trabaho. Nakakamiss pero ganoon talaga ang buhay, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako ay lilisan…

Roller coaster at crossroad. Iyan ang nagdulot ng luha ng kalungkutan at kasiyahan sa aking 2014. Iyan ang pagbubuod ko sa taong ito.

Kwentong Bago:

Maraming bago ngayong taon at isa na rito ay ang bagong trabaho sa bagong taon. Nakakatuwang isipin na ang daming pagbabago ngayong taon at tila umikot na ang gulong ng palad at nakaangat na ako sa aking pagkakabaon.

Nais kong lasap-lasapin ang magagandang pagbabagong ito sa aking buhay. Mahigit dalawang taon na ang nakaraan nang nagkwento rin ako tungkol sa pagbabago kaso nga lang noong mga panahon na iyon ay mga sandali ng kalungkutan ang naidulot nito. Ngayon, mga sandali na ng excitement!

Ang saya ng buhay! Lahat ng pangyayari, kahit akalain mo mang hindi maganda dahil nagdulot man ito ng kalungkutan, ay nararapat lamang ikatuwa at ikapagpasalamat. Gasgas man ang pangungusap na ito ngunit lahat talaga ng mga kaganapan sa buhay ay mayroong dahilan.

Yakaping mahigpit ang pagbabago
Masaya’t malungkot, harapin ito
Dito lalago, dito matututo
Hayaan lang na umikot ang mundo

Kwentong Shredder:

Alam ko! Alam ko! May isang buwan pa bago matapos ang taon pero heto ako’t nagsusulat na tungkol dito. Dahil magsisimula na ako sa bagong trabaho sa Disyembre, gusto ko lang isara ang isang malaking kabanata ng aking buhay.

Naglinis na ako ng mga gamit ko sa opisina. Nagtapon ng mga papel at syempre dahil karamihan dito ay confidential, kailangan ko silang i-shred. Kasabay ng pag-shred ko ng mga papel ay ang pagpunit ko rin sa lahat ng frustrations ko noong mga nakaraang buwan at taon. Pagkita ko sa maliit na piraso ng papel ay nakita ko rin ang paunti-unting paglaho ng mabigat kong kalooban. Ang bawat retaso ng papel sa basurahan ay katumbas ng bawat isang mapait na kahapon na akin ng pinapalaya sa aking puso’t isipan.

Mapapait na kahapong nagdaan
Palayain na sa aking isipan
Baunin ang lahat ng natutunan
At bagong bukas na ang siyang simulan

Kwentong Roller Coaster:

Kaya ko ba talagang sumakay ng roller coaster o mabuti pang umalis na lang ako habang hindi pa ako nakakabili ng ticket? Iyan ang simula ng aking taon – wala na bang atrasan sa pagsakay ng roller coaster? Meron ngunit pinili ko pa ring sumakay. Sa simula, panatag lang at pagkatapos lang ng ilang saglit heto na! Bigla ng taas-baba, liko-ikot! Nagulantang na ako! Paikot-ikot at nakakahilo. Nakakasuka! Pero lahat naman ng ride ay may katapusan – at sa pagtatapos ng ride, kahit na isang malaking sakit sa ulo ang sinakyan ko, alam kong isa itong once in a lifetime experience. Maaaring sakyan ko ulit ito sa balang araw o kaya naman ay di ko na ito balikan ngunit ang mahalaga ay naranasan ko ito at baon ko ang mga alaala at mga natutunan sa pagsakay ng isang roller coaster.

Walang kasiguraduhan ang bukas. Hindi ko masabi na baka mamaya ay pumipila lang pala ako sa anchor’s away. Ngunit alam ko na ito na ang tamang panahon upang tanggalin na ang seatbelt at tuluyan ng bumitaw sa aking roller coaster ride.

Gulo na tila walang katapusan
Pagkabagot na di ko malampasan
Ngunit pagbitaw lang ang kailangan
At tunay na ilaw ang masilayan

Kwentong Crossroad:

Nagsimula ang taon sa dalawang daan na dapat pagpilian. Nakakita ako ng bahag-hari sa daang tinahak ko. Parang isang paraiso! Ngunit sa bukana lang pala ang lahat ng iyan. Ang daan palang ito ay nababalot ng kapaitan. Walang pagsisisi dahil sa aking paglalakbay ay marami akong napulot na kaalaman. Dito ako natuto, nanindigan at nabuksan ang aking puso’t isipan.

Sinong mag-aakala na muling haharap ako sa isang crossroad bago matapos ang aking taon? Ang kinaibahan nga lang, ngayon, alam ko na agad ang daan na nais kong baybayin. Wala ng alinlangan, tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Ito ang aking dasal, ito ang plano, ito ang nakalaan. Kailangan ko ng ibang pagbabago, ito ang magbabalik ng tamis sa aking mundo.

Dalawang daan na pagpipilian
Magtiwala lang sa kahihinatnan
Ito ang hinintay na kasagutan
Tuloy lang ang lakbay sa nakalaan

Kwentong “Heto Na Kaya?”:

Maaari bang tapusin ko ang taon na hindi magkwento tungkol dito? Ngayon alam ko na na Heto Na Iyon! Mahaba ang aking nilakbay tungo sa paghahanap ng aking passion at sa wakas ay matutuldukan ko na ang isa pang kabanatang ito ng aking buhay. Buong puso kong niyayakap ang aking passion! Wala ng alinlangan, HETO NA IYON! Ito na ang aking pakakaabangan sa susunod na taon.

Wakasan ang kabanata ng kahapon
Panibagong bukas ang napapanahon
Magagandang alaala ang siyang baon
Salabungin ng ngiti ang bagong taon

Saan hahantong ang tagpong ito? Tingnan natin… sasayaw pa rin ako, Bollywood style:
All izz well
Woot woot woot
Hey bro, all izz well
(all izz well indeed :))

– November 26, 2014

Advertisements

Early Winter

Standing outside on a very cold November
What’s up with this freaking weather?
My knees start to weaken
My body is now numb, I’m frozen!

Brrr… what a day for the train to be late
Grrr… and I have an appointment at eight
I’ll freeze to death, I’m not David Blaine
15 minutes now, where’s the train?

Oh Canada, what’s up with the early winter?
Early welcome for frost bites and blisters
After 20 minutes, finally! Train has arrived
Keep me warm please, I want to stay alive

– November 19, 2014

A Prayer

Lord, thank You for all the blessings –
I treasure every victory, every challenge, struggle, and hardship
Because of these, You paved the way for my true passion
Thank You for the talent and wisdom
Thank You for my loving and supportive family, relatives, and friends
Thank You for the gift of life and death

Now, I face uncertainties at work
I’m aware that life is beyond my daily job
That there are more important things in life than work
But I want to be free from my misery and bitterness
I want my optimism and cheerfulness to resurface
And all the negativity and frustrations be erased

There are things that I can no longer control
And I’m humbly asking for Your guidance
Let Your divine intervention happen, let Your will be done
Please help me accept the things that will materialize
Please help me to trust in your ways
Please help me not to worry about the future and just concentrate on today

Lord, I pray for a new beginning
I pray for patience, courage, and strength
I thank You for this unsureness
As this helps me grow and improve myself
Lord, thank You again for all the blessings
Lord, thank You for everything that goes in my way

Amen.

– written on November 3, 2014