Quick Post 20130807

As the name suggests, mabilisang post lang ito. Gagamitin ko ang category na ito para i-set ang theme ng mga susunod kong posts.
 
Lumabas na ang resulta ng aking exam kahapon, natuldukan na rin ito sa wakas at handa na kong harapin ang susunod na yugto ng aking buhay. Dahil diyan, isasaad ko dito kung paano at saan nagsimula ang lahat ng mga katanungan at confusion. Ang mga susunod kong posts ay tungkol dito. Minsan magpopost ako ng writing na hindi tungkol dito para may break dahil mahabang kwento ito.
 
Siya nga pala, pumasa ako. Kung nasagot na ba nito ang aking mga katanungan at tuluyan na bang nawala ang confusion ko ay hindi ko pa alam. Ang alam ko lang, nakangiti akong┬áhaharap sa aking bukas. ­čÖé
 
Halika! Samahan mo akong magbalik tanaw ng aking kahapon at sana’y maibigan mo ang aking paglalakbay.