Today’s Extremity

Most of them say –
High and low, there is nothing in between
Just black and white where gray is not seen
It’s either up or down, there is no flat line
You have to choose, this is now the design
It’s win or lose, this is how it should be
A decision on life’s extremity

For me –
It’s frustrating – why is it a or b?
I cannot take sides and I prefer c
There’s no right or wrong, opinions differ
Respect and love are things that matter
So find a middle ground where we can agree
And not allow this life’s extremity

– March 8, 2017

Tayo ang Boss

photo obtained from www.sunstar.com.ph

photo obtained from http://www.sunstar.com.ph

Ano ba talaga ang sukatan para sabihing may nagawa ang isang pangulo sa kanyang bayan? Ano ba ang mga major at minor subjects niya at ano ang grading system? Yung mga binanggit ni PNoy sa SONA, hindi ba sapat yun? Iba ang sitwasyon noong panahon ni Marcos, paano nating masasabing ipinagpatuloy o ibinasura ni PNoy ang legacy ng kanyang mga magulang? Paano natin masasabing mediocre lang ang kanyang mga nagawa?

Walang lugar para sa mediocrity! Nasasayang lang ang karunungan at talento kung hindi ito nagbubungad ng progreso. Pero ano ba talaga ang expectations nating mga Pinoy? Ano ba ang standards natin ng mediocrity? Malinaw ba sa mga pulitiko iyon? Eh sa atin kaya, malinaw ba iyon? Gusto ba natin masugpo ang corruption overnight? Gusto ba natin maging first world country sa susunod na buwan? Mawala ang kahirapan sa loob ng isang taon? Makontrol ang paglago ng populasyon sa susunod na dekada? Palaguin ang ekonomiya? Mapanatili at itaas pa ang investment grade rating? Ayusin ang NAIA? Magkaroon ng wastong disaster planning? Masolusyunan ang trapik at kung anu-ano pa? Kailangan natin maging realistic dahil hindi naman ito kayang gawin ng kahit na sinong pangulong iupo sa iisang iglap lang. Ano ba ang gusto natin mangyari at kailan ba natin ito gusto maatim?

Sa dinami-dami ng problema ng Pilipinas, ano ba sa tingin ninyo ang dapat na tutukan para sa ikakaunlad ng bayan? Lahat ba ng suliranin ay kailangan bigyan ng pansin o mas mabuting tutukan nya ang isa o dalawang pinakamalaking isyu at baka pag malutas nya iyon ay magtuloy-tuloy ang pag-unlad? Sapat na ba ang mga baby steps tungo sa kaunlaran? Mahilig tayong magreklamo, pero naisip ba natin kung ano ang tamang strategy para malutas ang mga suliranin ng bansa? Alam ba natin kung ano ang dapat na top priorities ng isang pangulo ng Pilipinas?

Hindi dapat ang “pwede na yan”! Kung hindi tayo kuntento sa mga nanunungkulan, mula barangay tanod hanggang sa pangulo, tinatanong ba natin ang ating mga sarili kung ano ang pwede nating gawin upang baguhin ito? Magwelga kaya? O magreklamo ulit at piliing huwag ng bumoto tuwing eleksyon? Bakit patuloy tayong naghahalal ng mga garapal na magnanakaw? Bakit patuloy nating tinatratong artista ang mga pulitiko? Nagpapapicture pa nga tayo sa kanila at pinagpyepyestahan pa natin ang mga designers’ outfits na suot-suot nila. Baka galing pa sa kaban ng bayan ang pinambayad sa magagarang damit na iyon. Tuwang-tuwa pa nga tayo pag binigyan tayo ng sampung libo o tumulong sa pagpapalibing pag may namatay na kaanak. Akala naman natin ay galing sa sarili nilang bulsa ang pinamimigay na pera. Hindi ba’t naglalagay tayo sa pulis o kung kanino man para mapabilis ang usad ng mga bagay-bagay?

Alam nating may mali sa sistema pero bakit natin ito tinatanggap? Tayo pa mismo ang nagpaparticipate sa mga katiwaliang ito! Bukod sa pagrereklamo, may ginagawa ba tayong aksyon? Pinapalitan ba natin ang ating attitude o hinahayaan na lang natin na malamon tayo ng bulok na sistema? Sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa kawani ng gobyerno, bakit kayo pumepetiks lang habang patuloy ang reklamo nyo sa corruption? Hindi ba’t ang sahod niyo ay galing din sa kaban ng bayan? Sa mga Pilipinong nagmigrate abroad, hindi ba’t atat na kayong i-give up ang pagiging Pilipino habang patuloy lang sa pagrereklamo sa sitwasyon ng Pilipinas? May naiisip ba tayong paraan upang tumulong sa Pilipinas? Mukhang tayong mga Pilipino rin mismo ang may sala sa mabagal na pag-asenso ng Pilipinas…

Kung meron man akong take-away sa SONA ni PNoy, yun ay ang paulit-ulit nyang sinasabi na tayo, tayong mamamayan ang kanyang boss. TAYO ANG BOSS! Kung tayo ang boss, dapat bawat isa sa atin ay nag-iisip din ng pagbabago at gumagawa ng hakbang, kahit malitt man ito, patungo sa magandang kinabukasan ng Pilipinas. Tayo rin ang dapat nagseset ng malinaw, realistic at reasonable na expectations sa mga pulitiko. At higit sa lahat, kinakailangan nating patunayan na tayo ay karapat dapat na boss – hindi boss na nagpopower trip lang at panay reklamo ang ginagawa kung ‘di isang boss na disiplinado, responsable at may tunay na malasakit sa Pilipinas.

– isinulat noong Hulyo 30, 2014

Pinoy Slang

photo obtained from en.wikipedia.org

photo obtained from en.wikipedia.org

Author’s note: Sana makapagdulot ito ng nostalgia sa mga taong namimiss na ang mga salitang kanto ng Pinoy :). Inaalay ko ito sa aking mga kaibigang Jologista na nagbigay sa kin ng inspirasyon hehe. P.s. Ayoko magresearch ng origins ng words kaya ang mga eto ay base sa mga napulot kong kwento o obserbasyon at posibleng mali ang mga pinagsasabi ko.

 

Sabi ng aking kaibigan na matagal-tagal ng naninirahan sa Amerika ay namimiss na raw nya ang mga Pinoy expressions. Sumasangayon ako dito kasi mahigit tatlong taon na rin ako sa ibang bansa at boring nga naman talaga ang salitang Ingles. Talaga nga namang nakakamiss ang mga Pinoy slang na pinapauso nating mga Noypi.

Batang 80s at 90s ako. Naabutan ko ang era ng Hagibis, Mike Hanopol (o Hanapol ba?), Sampaguita etc. Sa pagkakaalala ko, 70s pa siguro sila sikat kaso dahil jologs at heart ako, exposed na ko sa era nila. Noong panahon na yan, nauso din ang burgis. At sa tingin ko dahil sa burgis at sa impluwensya ng mga musikerong eto ay nagkachain reaction na sa Pinoy slang. Dito na nauso ang mga pagbaliktad ng mga syllables tulad ng nosi ba lasi, ermat, erpat at lespu. Minsan dinudutungan pa ng letrang “s” sa dulo para mas cool tulad ng dabarkads, dehins, amats at etats. Cool diba, di na kadiri pakinggan ang etats! Bomalabs ba? May rules din kasi yan, pag more than 3 syllables na, yung last syllable ang ilalagay mo sa unahan at yung susunod na syllables ay di na kailangan pang baliktarin, ng saganun, pag ulit-ulitin mo itong bigkasin ay masasabi mo na ang totoong salita, halimbawa: bomalabomolabomalabomalabomalab… Gets na o bomalabs pa rin? Basahin ulit!

80s din ata ng naipalabas ang Iskul Bukol. Rhyming! Astig! (Astig – isa pang salita na binaliktad din ang syllable) Malamang naging impluwensya yan sa pag-usbong ng mga kung anu-anong rhyming phrases na hinihirit pa rin natin hanggang ngayon. Ilan dito ang mga let’s eat pansit, pramis kamatis, what’s that kabayong bundat at what’s this kabayong buntis. May mahabang listahan pa ang block namin ng college tungkol dyan, lakas trip lang kasi cool kami! 🙂

Noong panahon ng 90s, ang word of the decade para sa kin ay epal. Hindi ko talaga alam kung matandang salita na yan pero una ko yang narinig noong asa elementarya ako. Ang epal ay katumbas ng KSP na acronym ng Kulang Sa Pansin. Sa pagkakaalam ko, ang epal ay parang binaliktad din na salitang papel. Kasi pagmapapel ang isang tao, ibig sabihin nun, gusto nya laging magpabida kaya KSP siya kaya epal din siya.

Marami ring mga expression ang nauso noong dekada 90s, Ilan dito ang “O-ha!”, “Chicken!” (with hand gesture) at “Nyeh!” (with hand gesture din yan). Ang “O-ha” ay pinauso ni Jimmy Santos noong kasikatan nya. Ang “Chicken!” naman ay galing sa TV show na Tropang Trumpo, sabayan mo pa ng sayaw sa tugtog na “Caronia.! Caronia!… chicken!” At syempre ang “Nyeh!” ay sobrang sumikat sa ating pinapanood twing 4:30 na! Ang TV na! Esmyusmi! You’re esmyus! 🙂

May mga nakakatuwang pinoy slang phrases pa na pag inenglish mo ay walang sense pero para sa ating mga Pinoy eh mayroon talagang kahulugan ang mga ito. Heto ang ilang Pinoy phrases na naisip ko at ang literal na english translation nila, tingnan ko kung di ka matawa:
1. Tagalog: Manigas ka diyan!
English: You freeze there!
2. Tagalog: Hinay lang, mahina ang kalaban!
English: Slow down! The enemy is weak!
(nabasa ko eto sa Chico-Delmar Book at di ko mapigilang matawa dito)
3. Tagalog: Madami ka pang kakaining bigas!
English: You still need to eat more rice grain!
4. Tagalog: Haba ng hair mo!
English: Your hair is long!
5. Sakit sa bangs!
English: Bangs-ache! (What? Bangs-ache talaga?)
6. Tagalog: Nosebleed, kailangan ito ng explanation – ginagamit ito kapag nahihirapan, e.g. Nagnonosebleed ako twing nagi-ingles
English: I’m having a nosebleed when speaking in English
7. Tagalog: Na-123 ako!
English: I got numbers 1, 2, 3 (Lotto ba eto?)
8. Tagalog: Bahala na si Batman
English: Let Batman take care of this

Sa pagsapit ng 21st century, lumago pa lalo ang mga salitang kanto, Pinoy expressions at Pinoy slang at syempre nagsulputan na rin ang mga gay lingo. Andyan na ang haller! At syempre may intonation pa yan sa pagsalita. Nakilala na rin ang salitang “jologs” na nanggaling daw kay Jolina Magdangal. Hindi na rin nanay ng nanay mo ang ibig sabihin ng lola kasi ginagamit na ang lola kahit kanino. Ngayon, ‘teh na ang madalas gamitin at di lola. Ang “teh” ay shortcut ng “ate”. Parang dude ang equivalent nyan sa English, halimbawa, “okay ka lang lola / teh?”. At sinong di makakaalam ng jejemon? Nagsimula yan sa mga taong nagtetext ng jeje imbis na hehe. Ang mga J3jeM0n aY m4H1liG M4gPaH!rAp $a KAn1L4Ng mGa M4mbaB4$a 0 t3xtm8.

Ngayon, usong uso na ang paggamit ng salitang peg na pinalitan na ang salitang “drama” at “beauty”. Kunwari, “Dami ko kinain, patay gutom ang drama ko / beauty ko / peg”. Pili na kung ano ang mas feel mong gamitin, parehas lang ang ibig sabihin nyan. Ginagamit na rin ang bet na nangangahulugang type. Pati ang fez na shortcut ng “face”. Uso na rin ang tomoh! At dapat with conviction pag sinasabi. TOMOH!!! Parang “Tumpak!” yan! May mga kung anu-ano pang nagsiusbungan na salita tulad ng najontis, mathunders, la-ocean deep atbp. Heto ang halimbawa pag ginamit mo ang mga iyan sa isang pangungusap: “Uy teh, nabalitaan mo ba najontis yung isang artista, thunders naman na siya pero biglaan daw, at ang sabi yun na ang simula ng pagiging la-ocean deep nya.” Gets mo? Kung hindi eh mag- search search ka na lang pag may time. 🙂

Di pa kasama dyan ang mga Pinoy mura na isa pang nakakatuwang himayin at pag-usapan.

Olats ba? Dehins pre! Di ko rin nga talaga sigurado kung saan natin nahalungkat ang mga Pinoy slang na yan. Sino nga ba talaga ang taong nagpauso ng mga iyan? Magugulat ka na lang na ito na ang bukang-bibig o kaya ay nakapost sa mga Facebook walls ng bawat Noypi. Pero tingnan mong mabuti, dahil sa mga salitang ito ay makikita ang mayamang kultura nating mga Pinoy. Sabihin man ng iba na walang originality ang Pinoy, suriin mong mabuti ang ating mga salita at tiyak na mapapansin mo ang likas na malikhain nating mga Noypi. Nakakaelibs diba?

– sinulat noong February 20, 2014