In The Sky / Sa Himpapawid

sky

Author’s Note: This was written last year while on board a plane from Vancouver to Toronto. It was a clear day and seeing the Rocky Mountains below me just amazed me. It was a ~5hr flight and with the time zone difference, I also saw how the horizon changed its hue. The pictures were also taken from this flight. Btw, the original version is the one written in Filipino but both were written on the same day/flight.

In The Sky

This nature fascinates me
Wherever I look, the beauty stuns me
Mystery envelopes the surroundings
A smile to my lips and happiness it brings

Tall mountains with snow peak I see
Clouds with various shapes I see
Blue and white, it really amazes me
Truly brings out the kid in me

The sun will soon set, it will soon fade
The colors will change, the sky blue will then fade
This change entertains yet inspires me
As the dusk breaks, I have lots of light in me

Sa Himpapawid (Original Version)

Nakakabighani ang kalikasan
Natutulala sa twing aking pinagmamasdan
Hiwaga ang bumabalot sa kapaligiran
Na may dalang ngiti sa labi at kasiyahan

Matatayog na bundok ang aking nakikita
Iba’t-ibang ulap ang natatanaw ng mata
Asul at puti, ako’y tunay na namamangha
Tila bumalik ako sa aking pagkabata

Ilang sandali pa at lulubog na ang araw
Magpapalit ng kulay, mawawala ang bughaw
Nakakaaliw ang pagbabago at paggalaw
Sa pagsapit ng dilim, puno na ko ng tanglaw

– March 14, 2014

Advertisements

Tulala

Author’s note: I wrote this almost two years ago. I wrote this in the backseat of a van while we were driving to Ottawa. The picture was taken from that trip too. It’s written in my native tongue, Filipino, and it’s about my amazement with the clouds and the sky. Every time I look at the clouds and sky – I see peace, hope and freedom.

Sa mga ulap ako’y natutulala
Nabibighani sa taglay na ganda
At nasisilayan ang Siyang lumikha
At tila ang mundo’y napakapayapa

Sa kalangitan ako’y natutulala
Nagsasaad na lahat ay may pag-asa
At kung sa’n na di natitigil ang saya
Habang nakatitig ako’y nadadala

Sa kalawakan ako’y natutulala
Nagbibigay ng saya at sigla
Napapawi pa ang mga alala
Sinisimbolo na ang siyang paglaya

Sa mga ulap ako’y natutulala
Sa kalangitan ako’y nawawala
Sa kalawakan ako’y napapanganga
Tila natakasan na ang problema

– March 23, 2013