Tag-Lagas

Huni’t awit ng ibon ay maglalaho
Mga hayop ay ayan na’t nagsisitago
Puno’y natutuyo, daho’y naglalagas
Magsisimula na muli ang tag-lagas

Lumalamig at gumiginaw na naman
Manipis na damit, di na kailangan
Init ng panahon ay di mababakas
Magsisimula na muli ang tag-lagas

Hahaba ang gabi, iikli ang araw
Matutulog lang at hindi na gagalaw
Tatamarin na rin ako lalong lumabas
Magsisimula na kasi ang tag-lagas

– sinulat noong September 12, 2014